Journal
Sunday,Sep 24 2006, 05:33:24 PMAng Mamamahayag at ang Pagbabago
Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.
Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muling ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.
Ang Mamamahayag at ang Pagbabago
Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue Reading »

