Journal
Sunday,Sep 24 2006, 05:36:17 PMShowbiz Linggo
Ibinandera ng palabas sa TV kahapon ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito.
Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia. Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez–kasama sina Eric Fructouso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.
Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. More »

