Journals
Sunday,May 28 2006, 02:50:33 PMCaptain Barbell
Captain Barbell
May 28th, 2006
Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig,
na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang
“Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy.
(Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.)
Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga
dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot,
Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.
Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin. May dala silang malaking projection screen, at may kadobol ang bawat palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan Sasabihing Mahal kita ni Sharon, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw sa Banga. Read the rest of this entry »
Saturday,May 27 2006, 12:17:16 PMMga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition
Peyups.com — Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at panahon ko sa Peyups nating mahal.
Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang pagpasok ko sa UP. Big deal ‘yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa Marinduque–kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition, sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT! Read more
Wednesday,May 17 2006, 02:00:00 AMRemembering Mama
Eleven years ago today, I lost my mother in a sea tragedy. She was one of the passengers of the M/V Viva Antipolo VII, which caught fire and sank when it was only 30 minutes away from the port of Lucena City.
Before the accident happened, Mama and I had been preparing for my first semester in the University of the Philippines. After we had fulfilled the prerequisites for enrollment, she went back to Marinduque to raise money for my tuition. While she was there, she received an invitation for me to apply for a private scholarship grant. She hurriedly accomplished the application forms, secured the required documents, and sailed back to the city aboard the ill-fated ferry.
When rescuers found Mama’s body, she was clutching her bag that had the scholarship application forms and some cash, among other things. Read the rest of this entry »

