Ederic's Homepage
 

Journals

Thursday,Jun 15 2006, 02:21:06 AMNow showing: Hello Garci, the video

 




TXTPower Advisory: Not for the pikon and pasista. Only for freedom-loving Pinoys who believe that for the truth and for the good of the country, the (kontra)bida in this video should resign or be ousted.

Here’s something to remind us of the endless cover-up and continuing conspiracy against the awful truth. Read the rest of this entry »

Tuesday,Jun 13 2006, 01:56:07 AMJune 28

Superman Returns will be shown in the US and other countries, including the Philippines, on June 28, 2006. But there’s another big thing we should watch out for on that day.

Read more.

Tuesday,Jun 6 2006, 06:24:09 AMHindi naman 666 ngayon

Actually, hindi naman 6/6/6 ngayon. 06/06/06 o 06/06/2006 naman e. Kaya huwag kang matakot, nandito lang ako sa iyong tabi… lalalala. Napakanta tuloy ako.

Anyways, maraming kuwento tungkol sa 666. Ang mga Iglesia ni Cristo (Manalo version) at ibang fundamentalist Christians, halimbawa, sinasabing ang Santo Papa raw ang 666 dahil sa Vicarius Filii Dei (Proxy ng Anak ng Diyos) na isa sa mga titulo ng Papa. Kaso lang, hindi naman pangalan iyon, kundi title. Saka sangkaterba na ang mga dumaang Papa. Eh, sino sa kanila? Ano ‘yun namamana ang pagka-beast? Imposibleng ang unang Papa, na si Pedro. Medyo itinatwa nga niya si Jesus nung down na down Siya, pero si Pedro ay namantay na martir para sa pananampalataya. Imposibleng anti-Christ siya. Hindi rin puwedeng si Pope John Paul II. ‘Yun bang taong iyon na walang hinangad kundi pagkakaisa ng mga nagbabangayang pananampalataya, sasabihin mong anti-Christ?Read the rest of this entry »

Friday,Jun 2 2006, 09:49:56 PMKulang-kulang

Upang matakasan ang katotohanang kulang pa ang mga pangangailangang dapat ay ibinibigay ng iyong pamumuno, magtaray! Sa isang iglap, mabubura ang kakulangan, at ang iyong nasasakupa’y muling magiging “Enchanted Kingdom.”

Ganito ang ginawa ni Gloria kay Acting Department of Education Secretary Fe Hidalgo noong isang araw. Iniulat kasi ng pobreng ale na 6,832 silid-aralan pa ang kailangan ng bansa para matugunan ang kakulangan sa mga ito. Read the rest of this entry »

Friday,Jun 2 2006, 02:23:48 AMPinoy sa tuktok ng mundo

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette, Mayo 27, 2006)

Tatlong Pilipino ang nakarating sa tuktok ng mundo nitong nakalipas na linggo. Sunud-sunod na naakyat nina Heracleo “Leo” Oracion, Erwin “Pastor” Emata, at Romeo “Romi” Garduce ang pinakamataas na bahagi ng Bundok Chomolungma, na tinatawag ding Sagarmatha ngunit mas kilala bilang Mount Everest. Sa taas na 29,028 talampakan, ito ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig.

Nong Mayo 17, 2006, si Leo Oracion, 32, na lumaki sa Lucban, Quezon at kalaunan ay nanirahan sa Cebu, ang naging pinakaunang Pilipinong nakarating sa summit ng Mt. Everest. Ayon sa mga ulat, matagal nang pangarap ni Leo ang maakyat ang tuktok ng bundok na ito. Bata pa raw si Leo, mahilig na siyang umakyat sa bundok. Ayon sa kanyang pamilya, noong bata pa si Leo, akyat-panaog daw siya sa Bundok Banahaw. Ito, kumbaga, ang kanyang naging panimula. Read the rest of this entry »