Journal
Thursday,Mar 17 2005, 05:51:00 PM"sampung Taludtod ng Sakit at Hinagpis" "Samp
"sampung Taludtod ng Sakit at Hinagpis"
"Sampung Taludtod ng Sakit at Hinagpis"
- ako
nakatitig sa kalawakan,
nakatingin sa kawalan.
iniisip ang kasagutan,
kung bakit ka ganyan.
ilang araw na ako ganito,
wala sa sarili at parang nalilito.
ninanais na ang puso'y huminto,
at malaman mo ito.
mahal kita,
ikaw lang talaga.
ngunit bakit sadyang masama,
ang pagtrato ng pag-ibig sa tuwina.
ilang araw na umiiyak,
nakatingin sa kawalan.
ilang araw na umaasang,
ika'y aking mahahagkan.
isang saglit,
buhay ay nawala.
puso'y tumigil,
sa pagmamahal at pagtibok.
dugo'y bumabalot,
sa ginamit na panugat.
sa mga munting pulso,
sa aking mga kamay.
ito sana'y malaman mo,
dahilan nito'y sa'yo.
sa pagmamahal na ibinuhos ko,
na sinayang at binalewala mo.
sadya bang ganito?
pag-ibig ay maloko?
mag mahal ka't masaktan,
tatalikuran ka't iiwan?
minahal kita ng buong-buo,
ngunit ito'y binalewala mo.
nagalay ng buhay para sa'yo,
para mapansin mo lang ako.
lahat ay ginawa ko,
para lang ako'y mapansin mo.
pagmamahal ko'y totoo,
ngunit ito'y sinayang mo.
Currently Watching: constantine
Currently Reading: purpose driven life
Currently Listening: Listen by Stonefree

