Journal
Wednesday,Feb 23 2005, 10:43:00 AMBakit Ba? sinulat ko ito matagal na... pero...
Bakit Ba?
sinulat ko ito matagal na... pero ewan ko... comments nalang please...
"Bakit Ba?"
bakit ba ganito?
lahat nalang ng ginagawa ko,
lahat ng sinasabi ko,
wala lang sa'yo.
bakit ba ganito?
puso ko'y sugat ang natamo.
inamin ko lang naman sa'yo.
na ikaw ang isinisigaw ng puso ko.
umiiyak na naman ako.
alam ko iniisip mo,
na ako'y isang mahinang tao,
na walang ginawa kundi umiyak para sa'yo.
mahal kita, oo inaamin ko.
ndi ko makaya na mawala ka sa piling ko.
sa'yo umiikot ang mundo ko,
lahat ng ginagawa ko para sa'yo.
bakit ba ganito?
ang tanga-tanga ko pagdating sa'yo?
kahit sabihin ko ang totoo,
ayaw mo parin sa isang tulad ko.
mahal kita ng buong-buo.
hindi ako nakikipaglaro sa'yo.
mahal kita, seryoso ako.
kaya lahat gagawin ko, mamatay man ako.
comment naman kayo please... sana nagustuhan nyo... sinulat ko yan nung october pa... after ng birthday ko.... cge comment kayo ha... salamat...
Currently Watching: Disney Channel...:P
Currently Reading: Social Studies book
Currently Listening: marc dorsey - i crave

